NAKAMIT BA'Y DALAWA O APAT NA GINTO?
parehong petsa, magkaibang pahayagan
dapat pareho ang ulat, di ba, kabayan?
sa isa, dalawang ginto'y kuha ni Otom
sa isa pa, apat na ginto'y kuha niyon
bakit magkaiba sila ng iniulat?
baka ang isa'y ipinadala na agad
ang balita kahit di pa tapos ang laban
ang isa, buong pangyayari'y nasaksihan
kay Angel Mae Otom, mabuhay ka! mabuhay!
apat na ginto ang iuuwi mong tunay!
ang ASEAN Para Games record ay binura
sa sandaang metrong free style pa talaga
ang pangalan niya'y tiyak maiuukit
sa kasaysayan ng isports, pati nakamit
kay Angel May Otom, pagpupugay sa iyo!
salamat! dangal ka ng bansâ nating ito!
- gregoriovbituinjr.
01.25.2026
* ulat mulâ sa pahayagang Bulgar at Pilipino Star Ngayon, Enero 24, 2026, p. 12


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento