nang makaluwas ng Maynila, una kong binili
ay isang munting gunting na siyang inihalili
sa naiwang gunting na pitong buwan ding nagsilbi
sa probinsya sa mga inekobrik kong kaydami
pulang gunting ang naiwan, asul ang binili ko
sinimulan ko agad ang pageekobrik dito
kayraming plastik agad ang naipon kong totoo
isang linggo pa lang, pinatitigas ko na'y tatlo
misyon ko na ang mag-ipon at maggupit ng plastik
tulong sa kalikasang sa basura'y humihibik
gagawin ko pa'y di lang ekobrik kundi yosibrick
mga upos ng yosi'y ilagay sa boteng plastik
mga naglipanang basura'y kakila-kilabot
naglutangan ang mga plastik at upos sa laot
ang bagong gunting sa pageekobrik ko'y nagdulot
ng saya, kaya pagsisilbi ko'y di malalagot
- gregoriovbituinjr.
DIMAS ALANG - alyas ng ating pambansang bayaning Gat Jose Rizal; DIMAS ILAW - sagisag-panulat ng bayaning Emilio Jacinto; DIMAS AYARAN - sagisag ng Katipunerong si Dr. Pio Valenzuela; DIMAS INDAK - sagisag-panulat ng makatang Ildefonso Santos. Bilang pagpapatuloy sa nasimulan nila, narito si DIMAS UGAT - sagisag-panulat ng aktibistang makatang Gregorio V. Bituin Jr.
Martes, Oktubre 27, 2020
Ang bago kong gunting na pangekobrik
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento