Miyerkules, Hulyo 16, 2025

Nagkamali ng baba

NAGKAMALI NG BABA

Nagkamali na naman ng baba. Marahil ay natutulala.

Magkaiba nga pala ang babaan ng MRT at bus carousel. Pagkalampas ng Roosevelt Avenue station ng bus carousel (na katapat ay Roosevelt LRT, hindi MRT, station), bawat istasyon ng MRT ay halos may katapat na bus carousel station sa ilalim nito, mula North station ng MRT na may bus carousel, Quezon Avenue station ng MRT na may bus carousel, hanggang Kamuning station ng MRT na may bus carousel sa ilalim. Subalit hindi pala awtomatikong may MRT station na katapat ang bus carousel, umpisa ng Nepa Q0Mart station ng bus carousel, dahil walang MRT station sa NEPA Q-Mart. Medyo malayo ang bus carousel sa Main Avenue, Cubao sa MRT Cubao station. May bus carousel sa ilalim ng sumunod na MRT station ng Santolan at Ortigas na kalapit ng Shaw Boulevard MRT station.

Ganito ang nangyari sa akin nang magtungo ako sa Monumento galing Cubao kanina. Nang bumalik na ako galing Monumento papuntang Cubao, akala ko, pagdating ng Kamuning station ng bus carousel, ang susunod na istasyon na ay Cubao. Totoo iyon kung nag-MRT ka. Subalit nag-bus carousel ako. Ang sunod na istasyon ng bus carousel galing Kamuning Station ay Nepa Q-Mart station, bago mag-Cubao, Main Avenue station. Sa Nepa QMart station ng bus carousel ako mabilis na bumaba. Hindi nga ako nakalampas, nagkamali naman ng binabaan.

Nang bumaba ako sa Nepa QMart, nagulat na lang ako na hindi pa pala Cubao - Main Avenue station. Nakita ko kaagad ay ang Mercury Drug - Kamias branch. Subalit nakaalis na ang bus na nasakyan ko. Kaya sinakyan ko'y ibang bus na papuntang Cubao. Buti't may kinse pesos pa akong barya.

nagkamali na naman ng baba
dahil ba ako'y natutulala?
tila sa ibang mundo nagmula
sa lungsod ba'y di sanay na sadya?

sa Nepa QMart, walang istasyon
ng MRT sa itaas niyon
hindi iyon tulad sa North, Quezon
Avenue at Kamuning mayroon

isang malaking aral sa akin
upang di maligaw sa lakarin
dapat ang diwa ay laging gising
huwag parang pasaherong himbing

buti, iyon lamang ang nangyari
at walang nangyaring aksidente

- gregoriovbituinjr.
07.16.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento